Isang araw, pinalungkot ako ng cupcake na ito-- dahil hindi sinasadyang naipakain ito sa iba. Bigla kong naramdaman na parang may bumitaw at pakiramdam ko ay bumulusok ang aking katawan sa isang malalim na balon, isang madilim na balon... biga akong nangapa! Hindi ko makita ang aking minamahal! At ako ay nag-umpisang matakot......
Alam kong nainis ang nagbigay ng cupcake dahil parang biglang nagkaroon ng hindi magandang kahulugan ang isang hindi sinasadyang kilos...alam kong hindi niya nagustuhan ang lahat ng aking naramdaman ng dahil sa cupcake... sa cupcakes na pwede naman niyang palitan, ngunit bakit isang big deal ang pagkawala ng limang piraso lamang? Hindi ko siya masisi. At dama ko ang kung ano man nararamdaman niya sa mga oras na yun. Kung alam lang niya na higit pa sa lahat ng naramdaman niya ang naramdaman ... magkahalong kalituhan, kalungkutan at pagkabigo! grabe! sagad!
Dalawang araw akong naghanap ng solusyon... gusto kong umalis sa balon, makakita ng liwanag, makita ang lugar, makita ang aking mahal at patayin ang may kagagawan.... ang aking calling na nagdala ng "gesture" sa aking buhay.
" You should have been proud you have that."
" No, am not."
" It brings the sun to your heart."
"And it also kills it."
"Many people wants to have it. They are even spending money to have it though they only get the acquired...you have the genuine.."
"Kanila na!"
....yan ang ilan sa mga pagtatalo sa aking isip.
Mabuti na lamang may kaibigan akong nakakaintindi ng aking nararamdaman. Alam na kaagad niya ang mga tanong ko kahit hindi pa ako nagsasalita.... madalang kasi na ako ang magyayang magkita kami. Karaniwang siya ang nagyayaya pero hindi niya ako mapapunta. Hindi diretsuhan ang aking mga pagtatanong pero deretso ang kanyang mga sagot. At nang mag-umpisa na akong magsalita ng diretso sa gusto kong tukuyin... nagliparan ang daan-daang ibong langay-langayan sa aming lugar.... sa sky garden ng SM North Edsa na para bang gustong mangakinig sa aming pinag-uusapan.
Masaya akong umuwi. Hindi lang liwanag ang nakita ko...... nakita ko ang buong lugar, nakalabas ako sa balon , nakita ko ulit ang aking mahal. Nakatulog ako sa van, naramdaman ko ang pagod. Pagdating ko sa bahay, pinuntahan ako ng nagbigay sa akin ng cupcake, matapos ang ilang pag-bibiruan pinasunod nya ako sa kanya sa kanyang lugar at aking gulat ko ng makitang pinuno niya ng cupcakes ang kanyang buong lugar!! "Lahat ng yan ay para sa iyo". Naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa sobrang tuwa at saya ... dinaan ko ang lahat sa biro.
" Wala kang tatakasan, wala kang papatayin dahil ikaw 'yan. Tatlong panahon na ang nagdaan na pinalampas mo, panahon na para pansinin mo. Hindi mo kailangan ang mga bagay para ka sumaya or else may kulang... masaya ka na, hindi mo lang nalalaman dahil nakatuon ang isip mo sa ideal na isinet-up mo na nakikita mo sa iba.. hindi ganun ang disenyo mo. Tapos na ang panahong kumakagat ka ng bibinga. Gusto mong magkaron ng hinihingi mo dahil masaya ka na. Matutunaw ang mga bagay kung gugustuhin mo pero kung ayaw mo, mananatili sila."
Naintindihan ko.
" Ang cupcake ang gumising sa 'yo para malaman mo na panahon na para kumilos ka. Ang buhay ay isang malaking puzzle na orchestrated lahat ng kalangitan... pati ang panahon ng pag-iipon at pagsusudlong ng mga piraso nito ay orchestrated ng Maykapal. Mabagal ka kapag paulit- ulit mong naamoy ang simoy ng hangin ng nakaraan.... may dapat baguhin at ikaw lamang ang makagagawa noon. Huwag mo palampasin ang ano mang nasa harapan mo ngayon.. iyan ay blessing ng Maykapal."
Naunawaan ko.
Winasak ko na ang balon.. hindi na ako mahuhulog ulit doon.
Sa aking mahal.... salamat sa iyong pagmamahal. Alam kong madalas kitang mainis dahil sa masyado akong malayo kung tumingin at malikot akong mag-isip. At may mga disappointments ka sa skin. Alam kong dahil dito ay gusto mo na akong padalhan ng scud missile at pasabugin ang aking empire kasama na ang aking mga farms !! hahaha.. ngunit salamat sa iyong tyaga, pasensya at pang-unawa. Salamat sa pakikinig sa aking mga drama at komedya. Alam ko kung gaano mo ako kamahal... I know, coz I feel. And I love you more for it.... even so thankful that you came into my life. Thank you for all the cupcakes. Thank you for the 5 cupcakes that awakened me... it is not a mistake, God used you to bring me to my senses, to appreciate what a blessing I have. I know it's not an accident we knew each other...someday the puzzle will fit together. I just want you to know how dear you are to me, whether am away or near. :D
No comments:
Post a Comment