Thursday, December 20, 2012

Lulay sa Dapit-umaga

it's 1:11 am...thursday.

Isang oras na tumigil ang pagsusulat ko..... nakatingin lng sa monitor..... nakasalpak ang headset sa tenga....."Maybe" by Secondhand Serenade.

Hindi ko alam iisipin ko... kapag pala sobrang masakit isipin ang isang bagay, hindi ka makakaiyak.
Tama ang mga nararamdaman ko. Tama ang mga nakita ko noon.
Ano ba ginagawa ko dito?
Bakit ako nagtitiis?
Bakit ako nanahimik?
Bakit pinalalampas ko na lng ang mga bagay na hindi ko magustuhan?
Ano meron sa kalooban ko?
Hindi ako mabait.
Hindi ako mabuting tao.
May mga nagagawa din akong mali.
Ginagawa ko lang ang mga bagay kasi masaya akong gawin ang 'yun.
Wala na akong ibang dahilan.
Ibig sbihin ba nagtitiis ako dahil masaya akong ginagawa ang pagtitiis?
Hindi.
Masakit ang magtiis. Pero bakit?
Kasi cguro mahal ko ang mga tao sa mundo ko.
Ako ba, mahal nila?
Bakit sa tuwing lalapit ako sa Dios, naiiyak ako?
Kasi mahal Niya ako. Ramdam ko un.
Bakit pag iniisip ko ang mga pangit na damdaming bunga ng mga naririnig ko
Hindi ako naiiyak..
Ang mga tao... hindi ako naiiyak.
Siguro, hindi ko kasi nararamdamang mahal nila ako.
Ang nararamdaman ko lang...kasi kailangan nila ako.
Sa panahon ng aking pag-iisa
ng kalungkutan....( marunong din akong malungkot)
ng hirap
at pagtitiis... ng pananahimik..
kape ang kasama ko!
ayun eh!
Di bale isang araw, mawawala din ako.
Hindi na ako babalik.
Hindi na ako makikita pa.
Ilan ang iiyak?
Ilan ang maghahanap?
Gaya noong araw....
Gaya noong araw......



1 comment:

Anonymous said...

Hey! I'm at work browsing your blog from my new iphone 4! Just wanted to say I love reading your blog and look forward to all your posts! Keep up the excellent work!


buy raspberry ketone