Thursday, December 20, 2012

Na Naman!

Wala akong maisulat.... na naman!!  Bumababa na ang view score ng blog ko. Wala akong maisulat kasi ang daming laman ng utak ko na di kayang i-translate ng mga daliri ko! Masakit nag kalooban ko kaya naisip kong patawanin ang aking sarili.,... alalahanin ang mga korning bagay na nagawa ko, sadya at hindi sadya. Oo, aaminin ko na -- late bloomer ako, hindi dahil ipinanganak akong kulang sa buwan.... sakto ako sa siyam na buwan! Bkit ako late bloomer? Ei.... nanay ko rin-- hindi niya alam! Ako pa kaya ang makaalam?

Umpisahan ntin ang pag-alaala sa mga namayapa ko ng karanasan ...

mmmmmmm..........

Natatandaan ko, noong maliit pa ako ang daming halaman sa bakuran ng bahay namin. Paborito kong lugar ang garden ni Ina. Ayy, na miss ko bigla si Ina. Nakikita ko si Ina sa panaginip pag hindi na ako makahinga sa problema. Hindi ako natatakot kahit maraming mahigit isang dekada nang namayapa si Ina. Naaalala ko pa din ang kanyang garden. Noong pumunta ako sa Babatnin, pilit kong inaalala sa aking isip ang lugar ng kanyang garden. Paborito ko ang amoy ng adelfa sa kanyang garden. Alam ko na kung bakit down-to-earth ang beauty ko. Noong mga panahon kasing 'yun, trip kong tumikim ng bibinga ( basag na paso)! hahahaha!
Panlasa yata ang pangkilala ko ng mga bagay--- hindi naman ako bulag! Trip kong tikman ang lahat ng bulaklak sa hardin. Lipstick ko ang bulaklak ng Alembong at kwintas ko ang bulaklak ng calamansi. Nahahawakan ko pa ang mga palakang petot, at kaya ko pang dumakma ng palakang saging. Daigdig ko ang hardin ni Ina. Sa kawayanan namin, siyang-siya ako sa pagpapaputok ng mga bulaklak ng ligaw na strawberries. Maghalungkat ng mga pugad ng dagang bukid at hipan ang mga baboy-babuyan sa lupa.....ei, nakakaaliw isipin, masarap maging bata.

Sa Valenzuela naiba ang daigdig ko....lumaki, lumawak, ibang-iba.... naiba rin ang ugali ko. Natuto akong manapak at maging palaaway...lalo kapag natutukso akong pangit, negrita at ampon! Awtz!
Sabi ng kaibigan kong si Alexis, pinulot daw kasi ako sa bangka!

Pakiramdam ko nawawala ako noon....litong-lito at bobong-bobo! Uyyy nagkakamedalya pala sa Maynila ang mga bobong katulad ko! hahahahahahaha Boba ang negritang etitch!

May picture kami ng Birhen ng Lourdes. Marami itong dekorasyong pine cones. Nililinis ko ito araw-araw. "Gusto kong maging birhen balang araw." sa isip-isip ko. Ang ganda ng damit niyang asul at puti. "Ano kaya itsura ko kung birhen na ako?" tanong ko sa sarili ko. Biglang tumikom ang mga pine cones!! Nanlaki mga mata ko..tandang-tanda ko pa, pinipilit kong ibuka mga yun.  Nagtataka ako. Magiging birhen ako?? Hahahaha!

Madaldal ako sa klase...madalas ako makurot ng teacher! Bakit ba hindi pa noon iniuso yung Child Abuse Law? Pero hindi ako napaparusahan ng pagdipa sa harap ng blackboard, kasi laging inaako ng pinsan ko ang parusa sa akin.

Pero noong high school na ako, naging demure na ang beauty ko. Ikaw ba naman ang papremyuhan ng palo at kurot kapag kilos lalaki ka, madaldal at takbo ng takbo...at praktisin sa tuwi-tuwina ng

"Ganito ang tamang paglakad ng isang babae!" Pak!
"Ganito magsalita ang isang babae!" Aww
"Ganito maupo ang isang babae!" Aaaaa
"Ganito kumain ang isang babae !" grrr

Ganito mabwisit ang isang babaeng pinipilit maging maria clara!

REBOLUSYON!!! PUNITIN ANG MGA DYARYO SA KUSINA!!!!

Hayy buhay!

Minsan, may taglay din akong katamaran .... ikaw na masipag!
Umaakyat na lang ako sa puno pag gusto ko kumain ng bayabas at star epol....sabay balibag sa bubong ng kapitbahay ang mga balat nito. Kahit naman hanggang ngayon, sa ilalim nlang ng puno ng saging ko kinakain ang mga saba..... fresh from the banana tree!

Tinutruan akong manalangin noong maliit ako...pero dumarating yung napapagod kang manalangin sa dami ng hinaharap mong suliranin. isinulat ko mga prayers ko sa papel..inilatag ko sa bubong bahay at hiniling ko na God na lng ang magbasa para sa akin. Ngayon tinatanong ko kung nabasa kaya ng God? Pinatulan kaya ng God ang ginawa ko?

Kung mainit at ayoko magpaypay.... inilalatag ko ang aking comforter sa terrace kong kawayan, di baleng masilaw sa liwanag ng buwan, wag lng magpaypay.Di baleng gisingin ng pagkalbit ng mga patpat na hawak ng mga bata....nakalawit ang aking mga paa sa silat ng kawayan.

Minsan ko ng sinubok ang Dios.... " Lord, wala akong pera...heto ang kahon, lagyan mo ng pera. Wait ko ha, matutulog muna ako. Dapat pag gising ko, may pera na sa loob ng kahon. Hmmmm... pwede bang gawin mong P2000 ang ilagay mo sa kahon?" ... sasabayan ko ng tulog.... at ang kahon? nasa terrace, matiyagang naghihintay sa kamay ng Dios, sa ilalim ng sinag ng buwan!  Pag gising ko sa umaga...puno ang kahon.... puno ng tubig hamog! nyahahahahha

Akala mo si Gideon lng ang may twalyang tuyo? Ako din..
"Iyan ba ang lalaking para sa akin? O Lord, pag tuyo ang twalyang ito sa umaga...siya na nga!" Inilatag ko ang twalya sa damuhan sa ilalim ng gabi. Kinaumagahan, tuyo nga ang twalya..... may pumulot kasi at isinampay sa loob ng bahay!

Hindi ako takot mamatay...ewan ko kung bakit...siguro kasi handa ako kahit naong oras. Handa akong humarap sa Dios anytime. Wala akong pakialam kung walang katig ang bangka o may butas. Basta, wag lng mababasa cellphone ko!

Ayan tinatamad na naman ako.... may sumisignal sa likod ng utak ko na.. "Tama na...lasing ka ba?"
"Hindi ah."

Tinatamad na nga ako.... hayy salamat, tinamad din ako! hahahahahaha


gudnyt






2 comments:

Anonymous said...

[url=http://www.casino-online.gd]Online casinos[/url], also known as disposed casinos or Internet casinos, are online versions of gigantic ("buddy and mortar") casinos. Online casinos sustain gamblers to paint the metropolis red and wager on casino games attitude the Internet.
Online casinos habitually call for on odds and payback percentages that are comparable to land-based casinos. Some online casinos contend higher payback percentages with a principles also gaol up motor car games, and some promulgate payout concord audits on their websites. Assuming that the online casino is using an correctly programmed indefinitely totality a recapitulate up generator, catalogue games like blackjack comprise an established feign tabular edge. The payout beget a portion on the side of these games are established gone and forgotten the rules of the game.
Uncountable online casinos prove into societal certain or come into the realm of their software from companies like Microgaming, Realtime Gaming, Playtech, Unconcealed Underhandedness Technology and CryptoLogic Inc.

Anonymous said...

I like it whenever people come together and share ideas.
Great blog, keep it up!

Take a look at my homepage - bypass pruners